-- Advertisements --

Hindi itinanggi ng Department of Trade and Industry (DTI) na marami sa mga ibinebentang produkto sa online ay “Substandard”.

Sinabi ni DTI Secretary Cristina Roque, na para matulungan ang mga mamimili ay inilunsad nila ang e-Commerces Philippine Trustmark.

Ang nasabing digital badge ay tutulong sa mga consumers na ang kanilang pinagbibilhan ay lehitimong mga online sellers.

Aabot sa 18,494 na mga reklamo ang kanilang natanggap kung saan 3,500 dito ay kanilang naresolba habang ang mahigit 14,000 na iba pa ay inindorso sa ilang ahensiya.

Sa ngayon ay boluntaryo muna ang trust mark sa mga online sellers pero sa mga susunod na buwan ay maaari na nilang isama ito tuwing magpaparehistro ang mga online sellers.