Kinontra ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas ang naunang inihaing petisyon ni Atty. Romulo Macalintal ukol sa pagtutol nito sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2025.
Sa isinimute nilang ‘Petition-in-Intervention with Opposition’ layon nitong hamunin ang petisyong nais maipadeklarang ‘unconstitutional’ ang pagpapaliban sa eleksyon.
Naniniwala ang naturang samahan na ang partikular na batas na Republic Act 12232 o ang Term Adjustment Law ay wala namang nilabag kundi naayon sa konstitusyon.
Kanilang binigyang diin na ang naturang ‘BSKE postponement’ ay probisyon at resulta lamang ng pagsasaayos ng bagong termino.
Kaya’t hiling nila na pahintulutan sila ng Kataastaasang Hukuman na maging ‘intervenor’ at maituring kabilang sa pagtalakay ng petisyon.