-- Advertisements --

Inaprubahan ng pamahalaan ang Philippine Action Plan for Effective Development Cooperation upang mas mapatibay ang kalidad at koordinasyon sa bansa.

Ang naturang plano ay nabuo matapos ang High-Level Forum na ginanap noong Enero 20, 2026, na pinangunahan ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).

Layunin nito na gawing konkretong aksyon ang mga resulta ng monitoring ng Global Partnership for Effective Development Co-operation (GPEDC).

Ayon kay DEPDev Secretary Arsenio Balisacan, mahalaga ang pagkakaisa ng gobyerno, mga foreign partners, civil society, at private sector upang masiguro na ang mga pondo at proyekto ay nakahanay sa pambansang prayoridad.

Kabilang sa mga prayoridad ng Action Plan ang pagbuo ng Development Cooperation Framework at ang pagpapalakas ng monitoring systems upang masiguro ang transparency at accountability sa bawat proyekto para sa Sustainable Development Goals.