-- Advertisements --

Nanatiling umaasa ang ilang kongresista na papaboran ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ng Kamara kaugnay ng impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte, kasunod ng pahayag ng Senado na handa itong agad simulan ang trial sakaling payagan.

Ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, hinihintay ng Kamara ang desisyon ng SC sa mosyon na layong baligtarin ang 2025 ruling na pumigil sa proceedings.

Noong Hulyo 2025, idineklara ng SC na unconstitutional ang ika-apat na impeachment complaint laban kay Duterte at ipinagbawal ang pagtanggap ng bagong reklamo hanggang Pebrero 6, 2026.

Ipinunto naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na procedural lamang ang tinukoy ng SC at hindi ang substance ng reklamo. Sinabi niyang maghahanda ang Kamara ng rules na tugma sa final ruling ng korte. (report by Bombo Jai)