-- Advertisements --

Hindi magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority ng expanded number coding bukas Hunyo 12, 2025.

Ito ay bilang pakikiisa ng ahensya sa ika-127 na anibersaryo ng Independence Day.

Batay sa inilabas na post ng MMDA , pinayuhan nito ang mga motorista ng planuhin na ang kanilang byahe.

Pinayuhan rin nito ang mga motorista na sumunod sa batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho lalo nat madulas ang daan dahil sa mga pag-ulan.

Una nang inanunsyo ng National Historical Commission of the Philippines na ilang bahagi ng kalsada sa Metro Manila ay isasara bukas.

Mag-aalok naman ang LRT-1, LRT-2, and MRT-3 ng libreng sakay sa kanilang mga mananakay bukas bilang pakikiisa sa paggunita ng Araw ng Kasarinlan.