-- Advertisements --

Nagpositibo sa anti-depressant drug ang katawan ng namayapang si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral.

Ito ang lumabas sa inisyal na toxicology report ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa preliminary laboratory report mula sa PNP Regional Forensic Unit–Cordillera Administrative Region na nagpositibo ito sa citalopram isang uri ng antidepressant drugs.

Ang nasabing gamot din ay isa sa mga narekober ng mga kapulisan sa isinagawa nilang paghaluglog sa kuwarto ng hotel sa lungsod ng Baguio kung saan ito nanuluyan.

Wala din silang nakitang anumang histopathological examination o terminal diseases sa katawan ng dating opisyal.

Una ng sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na base sa inisyal na pagsisiyasat nila ay nagpakamatay ang dating DPWH official.