Pumanaw na si British boxer at dating boxing world champion na Ricky Hatton sa edad na 46.
Ayon sa tagapagsalita ng Greater Manchester Police na nakatanggap sila ng tawag kung saan wala ng buhay ang boksingero sa bahay nito sa Bowlace Road, Hyde, Tameside.
Hindi naman na binanggit pa ng mga otoridad ang sanhi ng kamatayan ng boksingero.
Binansagang “The Hitman” si Hatton kung saan nagwagi ito ng world titles sa light welterweight at welterweight class.
Nakaharap nito ang ilang mga sikat na boksingero sa mundo gaya nina Floyd Mayweather Jr, Manny Pacquiao at Kostya Tszyu.
Taong 2007 ng pinatikim sa kaniya ni Mayweather ang unang talo kung saan mayroon ito sanang malinis na 43 panalo.
Noong nagretiro na ito sa 2012 ay mayroon itong malinis na record na 45 panalo at tatlong talo.
Sa mga nagdaang taon ay hindi nito itinanggi ang pagkalulon niya sa alak, droga at depresyon.
Nakatakda sana itong bumalik sa boxing ring sa Disyembre ngayong taon para labanan si Eisa Al Dah na gaganapin sa Dubai sa Disyembre 2.