-- Advertisements --

Pinabulaanan ni celebrity stylist Joyce Tan Custodio ang mga online rumors at negatibong komento tungkol sa kanyang relasyon kay Michael Pacquiao, pangalawang anak nina boxing legend Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, matapos muling maging usap-usapan ang kanilang 15-taong age gap.

Naging benta sa social media ang dalawa nang kumalat muli ang mga larawan ni Joyce at Michael, na nagpasimula ng debate online.

Si Joyce ay nasa huling bahagi ng 30s, habang si Michael naman ay nasa 24. Binanggit ng ilang netizens na matagal nang may ugnayan si Joyce sa pamilya Pacquiao, at ayon sa ulat, hindi rin sila tutol sa relasyon ng dalawa.

Buwelta ni Joyce sa post sa kanyang Facebook noong Enero 8:
“Sasabog ata MESSENGER ko sa dami nagmemessage but sorry I can’t answer to everyone 🤭,” aniya.

Dagdag pa niya, mas apektado paraw ang ibang netizens sa mga post at videos kaysa sa kanya, at may ilang maling impormasyon din daw na kumalat online.

“Fyi this is for everyone: My followers & Non Followers—Guys sa mga nakaka panuod ng reels/chicka videos, ang cute niyo mas affected pa kayo sa’kin sa nababasa/napapanuod niyo na minsan halos maling information na nalabas sa news,” paliwanag ni Custodio.

Hinimok din niya ang publiko na manatiling kalmado, iwasan ang paninira sa comment sections, at huwag magalit, lalo na’t karamihan sa mga ito ay hindi siya personal na kilala.

“Relax lang wag po makipag away sa mga ka-comment niyo, don’t put any hate in your heart whatever you read or hear bcoz’ of me🙏🏽 Life goes on and Deadmah na hindi naman nila ako kilala personally. Happy New year again✨🙏🏽”