-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang pagiging lola na niya.

Ito ay matapos na nagsilang na isang sanggol na babae ang partner ni Jimuel Pacquiao na si Carolina.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ng larawan si Jinkee ng mga larawan nila habang nasa pagamutan.

Noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng baby shower sina Jimuel at Carolina sa Los Angeles na dinaluhan ng amang si Manny Pacquiao.

Nasa US si Jimuel para sa unang professional fight niya kay Brendan Lally na gaganapin sa California sa Nobyembre 30.