-- Advertisements --
Tinanghal bilang sporting icon sa Dubai si Pinoy boxing champion Manny Pacquiao.
Sa ginanap na World Sports Summit sa Dubai ay binigyan ang Pinoy boxing icon ng Global Outstanding Sporting Career Award.
Mismong ang mga matataas na opisyal ng Dubai ang nagbigay ng nasabing award kay Pacquiao.
Sinabi ni Pacquiao na ang nasabing award ay hindi lamang para sa kaniya at sa halip ito ay para sa mga nangangarap na maging boksingero.
Hinikayat nito ang mga batang boksingero na ituloy lamang ang pag-ensayo hanggang sila ay humusay.
















