Nanindigan si National Maritime Council (NMC) Spokesperson Usec. Alexander Lopez na bahagi ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group (KIG) sa kahit pa ito ay nasa labas na ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng kontrobersyal na pahayag ni Sen. Rodante Marcoleta na ‘i-give-up’ ang naturang teritoryo ng bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Usec.Lopez, nanindigan itong malinaw ang posisyon ng Pilipinas sa naturang teitoryo, salig sa nilalaman ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) at sa 2016 Arbitral Award
Responsibilidad aniya ng PH government na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan doon, at hinding-hindi sila papabayan ng gobiyerno
Tiniyak din ng opisyal na hindi iiwanan ng Pinas ang mga isla, bahura, at ibapang maritime feature na nasa ilalim ng soberanya ng bansa.
AV1 – Usec. Alexander Lopez
















