Natunton ng state weather bureau ang dalawang magkahiwalay na tropical cyclone-like vortex (TCLV) sa silangan at kanlurang bahagi ng bansa.
Sa inilabas na tropical cyclone-threat potential forecast na inilabas ng state weather bureau ngayong araw (Sept. 15), nabuo ang unang TCLV sa West Philippine Sea at kumikilos sa direksyong tango sa Vietnam.
Katamtaman hanggang mababa ang tyansa nitong mabuo bilang ganap na bagyo sa mga sumusunod na araw.
Inaasahan ding mabubuo ang isa pang TCLV sa silangan ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw. Ito ay inaasahang kikilos papalapit sa Northern Luzon, kung magtutuloy ang paglakas nito.
Ayon sa weather bureau, katamtaman hanggang sa mababa ang tyansa nitong maging ganap na bagyo.
Sa susunod na lingo, inaasahang kikilos ang iklawang sama ng panahon pa-kanluran patungong Vietnam at tutunguhin ang Southern China.
Gayonpaman, mananatili pa ring mababa ang tyansa nitong maging ganap na bagyo sa naturang panahon.
Ang dalawang TCLV ay hiwalay pa sa low pressure area (LPA) na natunton sa layong 200 kms silangan ng Coron, Palawan at kumikilos pa-kanluran.