-- Advertisements --

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi ligtas sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang kaniyang mga kaalyado at kung may pananagutan ang mga ito dapat silang managot.

Ayon sa Pangulo maging ang kaniyang pinsan at kaalyado na si House Speaker MArtin Romualdez at si dating Appropriations panel Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co. ay hindi ligtas sa imbestigasyon ng ICI na siyang nagiimbestiga sa maanomalyang flood control projects.

Una pa lamang sinabi ng Pangulo na wala siyang sasantuhin.

Hindi naman pipigilan ng Pangulo ang Kamara at Senado na magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon.

Pagtiyak ng Punong Ehekutibo na completely independent ang ICI.

Sa kabilang dako, una ng inihayag ng Pangulo na posible biktima lamang din sa name-dropping si Speaker Martin Romualdez.