Nilinaw ni Pacifico “Curlee” Discaya sa House Infra Committee na wala siyang direktang transaksiyon kay House Speaker Martin Romualdez.
Nilinis ni Discaya ang pangalan ni Speaker Romualdez partikular sa pagtanggap ng kickbacks sa mga proyekto at posibleng nagagamit lang ang pangalan nito ng mga pulitiko.
Ginawa ni Discaya ang paglilinaw sa pagdinig ng Infra Committee na iniimbestigahan ang mga maanomalyang flood control projects.
Bukod kay Speaker Romualdez nilinaw din ni Discaya ang pangalan ni Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co na dating Chairman ng House Committee on Appropriations nuong 19th Congress.
Paliwanag pa ni Discaya na ang pagtukoy niya kina Speaker Romualdez at Rep. Co sa kaniyang sworn statement sa Senado ay hindi base sa anumang direktang ugnayan.
Ayon kay Discaya bagamat nabanggit ang pangalan ni Speaker Romualdez at Co wala naman siyang pruweba na nakarating sa dalawa ang project kickback.