-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng hanggang 15 taon ng korte sa Kuwait ang pumatay sa overseas Filipino workers na si Jullebee Ranara.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghatol ng hanggan 15 taon na pagkakakulong dahil sa pagpatay at isang taon na pagkakakulong dahil sa pagmamaneho ng walang lisensiya.

Paliwanag ng DFA na bumaba ang parusa dahil sa isang menor-de-edad ang akusado.

Mayroon itong hanggang 30-araw na iapela ang hatol sa kaniya ng Court of First Instance.

Dagdag pa ng DFA na kanilang naabisuhan na ang pamilya ng nasawing OFW.

Magugunitang natagpuan ang bangkay ng 35-anyos na si Ranara sa isang disyerto na ito ay sinunog pa noong Enero.

Naaresto ang 17-anyos na anak ng amo ni Ranara na sinasabing ginahasa nito at nabuntis pa ang biktima.

Una na ring tiniyak ni Kuwaiti Minister of Foreign Affairs Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah na kanilang papanagutin ang suspek na pumatay kay Ranara.