Napatay sa police operation ang suspek sa pagkawala ng ilang Grab drivers na sangkot sa nag-viral na vehicular accident sa Maynila.

Nakatakda sanang isilbi ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang warrant of arrest sa suspek na si Frankie Serrano sa pinagtataguan nitong lugar sa Barangay Santol sa Silang, Cavite.

Sinabi ni CIDG-4A Lawrence Cajipe, ginawa pang panangga ng suspek ang live-in partner nito.

Matapos na makuha ng mga pulis ang babae ay bigla na lamang nanlaban daw ang suspek.

Nakuha sa lugar ang baril na ginamit ng suspek at isang granada.

Sinasabing sangkot ang suspek sa ilang kaso ng pamamaril sa Cavite ganoon din nasa likod sa pagkawala umano ng dalawang Grab drivers.