Binulabog ng malaking sunog ang residential area ng Kapwa St. Masambong, Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng Philippine Red Cross (PRC), nangyari ito kaninang alas-5:05 ng madaling araw.

-- Advertisement --

Umabot pa ito sa fourth alarm, bandang alas-5:10, kaya nagpadala ang Bureau of Fire Protection (BFP) at PRC ng fire trucks at first aiders sa nasabing lugar.

Ilang volunteers din ang sumaklolo, ngunit sadyang malakas ang pagsiklab ng apoy.

Inaalam na kung anong pinag-ugatan ng naturang pangyayari.