Napilitang lumikas ang ilang empleyado at bisita sa GMA 7 compound matapos makapagtala ng sunog.

Namataan ang sentro ng apoy sa may canteen nito na nasa EDSA Timog, Quezon City, ganap na alas-11:25 ng umaga.

Sa kasalukuyan, nasa area na ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) para apulahin ang pagkalat ng apoy.

Habang pinagbabawalan na ang iba pang tao na lumapit sa lugar ng sunog.