-- Advertisements --

Nagpahayag ng buong suporta ang Department of Health sa panukalang babaan ang speed limit sa mga kakalsadahan sa Metro Manila at iba pang mga lugar.

Ginawa ng ahensya ang pahayag kasunod ng naging suhestiyon ng isang transport advocacy group na Move as One Coalition na ibaba sa 30 kilometers per hour ang speed limit.

Naniniwala ang ahensya na sa pamamagitan nito ay mababawasan ang bilang ng mga naitatalang aksidente sa kalsada.

Ang mga aksidenteng kinasangkutan ng mga motorista o sasakyan ang pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino na may edad 5 hanggang 29 taong gulang.

Batay sa data ng DOH, aabot sa 12,000 katao ang nasawi dahil sa aksidente sa kalsada sa buong bansa.

Ito ay katumbas ng average na bilang na 33 katao araw-araw.

Bumaba naman ang vehicular accidents sa kahabaan ng Commonwealth Avenue dahil sa pagpapatupad noon ng 60-kmh speed limit.