-- Advertisements --
Naniniwala ang Department of Transportation (DOTr) na kayang-kayang matapos ang EDSA rehabilitation ng hanggang anim na buwan.
Sinabi ni Tranportation Secretary Vince Dizon, maaring kunin dapat ang contractor na mayroon ng karanasan na gumamit ng makabagong teknolohiya.
Dagdag pa nito na mayroon ng mga ginagawang hakbang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinag-aaralan ang mga proposals ng mga local at mga foreign contractors.
Magugunitang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagpapaliban ng pagsasaayos ng EDSA hanggang walang konkretong plano para sa mga mananakay.