Maaari nang muling daanan ng mga pedestrian at light vehicles ang Agana Bridge sa Tarlac City ngayong linggo, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH)
Gayunman, magpapatupad ang DPWH ng 10-toneladang weight limit sa mga sasakyang dadaan sa tulay.
Hindi papayagang dumaan ang mga truck at bus, habang maaari namang makadaan ang ilang four-wheeled vehicle, coaster at Elf-type delivery truck basta hindi lalampas sa itinakdang timbang.
Inihayag din ni DPWH Secretary Vince Dizon ang plano ng DPWH na magtayo ng tig-isang parallel bridge sa Agana at Aquino bridges upang madagdagan ang kapasidad ng mga tawiran sa Tarlac City.
Matatandaang nasira ang bahagi ng Agana Bridge noong Agosto 29 dahil sa malakas na agos ng tubig at ulan.
Isang araw bago nito, Agosto 28, gumuho naman ang gitnang bahagi ng Aquino Bridge.
















