-- Advertisements --
Pala-isipan ngayon ang naging suhestyon ni US President Donald Trump sa US military na pasabugin ang bagyo upang hindi ito tuluyang makapaminsala sa Amerika.
Sinabi umano ito ni Trump habang nasa hurricane briefing kasama ang national security at homeland security officials.
Dito ay tinanong ng American president kung posible raw na bagsakan ang mata ng bagyo ng nuclear bomb habang nagsisimula pa lamang ito mabuo sa Africa.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa ito ni Trump. Taong 2017 nang tanungin din nito ang parehong isyu sa isang senior administration official.
Sa kabila nito, tumanggi naman ang White House na magbigay ng komento sa kahit anong private discussion ng kanilang presidente.