-- Advertisements --

Ibinunyag ni US President Donald Trump na sinabi sa kaniya ni Chinese President Xi Jinping na hindi nito sasakupin ang Taiwan habang siya pa rin ang pangulo ng Estados Unidos.

Sinabi ng US President na hindi ito basta naniniwala at kaniyang titignan kung maisasakatuparan ito ng Chinese President.

Dagdag pa nito na masyado itong mapagpasensiya ganun din ang China.

Nagsagawa ng unang pag-uusap sa telepono nina Trump at Xi nitong Hunyo at Abril.

Itinuturing kasi ng China na parte pa rin ng kanilang bansa ang Taiwan.

Subalit ikinagalit ng Taiwan ito at dapat na igalang ng China ang kanilang soberanya.