-- Advertisements --

Hiniling ni U.S. First Lady Melania Trump kay Russian President Vladimir Putin ang panawagang kapayapaan para sa mga bata matapos ibigay ng personal ni U.S. President Donald Trump ang liham kay Putin sa Alaska Summit noong Agosto 15.

Ayon sa ulat ng Fox News na binasa agad ni Putin ang liham sa harap ng kanilang mga delegasyon.

Bagama’t hindi direktang binanggit sa liham ang digmaan sa Ukraine, ngunit malinaw ang panawagan sa liham na “Mr. Putin, you can singlehandedly restore their melodic laughter… You serve humanity itself.”

Sinabi ni Trump na may malaking impluwensiya ang kanyang asawa sa pananaw niya kay Putin, at noong nakaraang buwan ay kinuwento niya kung paanong kinuwestiyon ni Melania ang kanyang pananaw matapos sabihin sa kanya na may isa na namang lungsod sa Ukraine ang tinamaan ng mga pag-atake.

Una nang nanindigan si Trump sa tigil-putukan, ngunit nabago ang kanyang posisyon matapos ang summit, at sinabi na ang pinakamabisang paraan para wakasan ang digmaan ay ang direktang kapayapaan.

Samantala, matagal nang isinusulong ni Putin ang peace talks, na tinututulan ng Ukraine at mga kaalyado nito sa Europa bilang isang istratehiya lamang umano ng Russia upang makabawi sa labanan.