-- Advertisements --

Ibinunyag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ayaw ni Russian President Vladimir Puti na magkaroon ng kapayapaan.

Ito ang inihayag ng Ukraine President bago ang gagawing pagpupulong niya kay US President Donald Trump.

Dagdag pa nito na makikita ang matinding ginagawang pag-atake ng Russia sa ilang bahagi ng Ukraine kaya ipinapakita nila na ayaw nila na matapos ang giyera.

Magugunitang nakatakdang magpulong muli sina Trump at Zelensky para isulong ang ceasefire deal at tuluyang matapos na ang halos apat na taong giyera nila sa Russia.