-- Advertisements --

Dumating na sa Pilipinas ang dating NBA center na si Bol Bol.

Ang 7-foot-3 bigman ay nakatakdang maglaro bilang import sa TNT Tropang 5G para sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup na nakatakda sa buwan ng Marso.

Walang height restriction sa Commissioner’s Cup kaya napagbigyan ang Tropang 5G na kunin ang Sudanese-American center.

Kung babalikan ang karera ng naturang bigman, pinili siya ng Miami Heat bilang 44th draft pick noong 2019.

Nagpalipat-lipat siya ng koponan mula sa Heat patungong Denver Nuggets, Orlando Magic, at Phoenix Suns.

Sa kaniyang maituturing na best season, nagawa niyang magbulsa ng 9.1 ppg at 5.8 rebounds per game. Nagawa niya ito noong 2022-2023 season.

Sa kabila ng kaniyang tangkad, hindi siya gaanong nabibigyan ng oras para maglaro kaya’t umaabot lamang sa 13.6 mins ang average time na kaniyang inilalagi sa hardcourt.

Nakatakdang magsimula sa Marso-11 ang PBA Season 50 Commissioner’s Cup