-- Advertisements --
Itinuturing ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na naging produktibo ang kaniyang pakikipagpulong kay US President Donald Trump.
Sa ginawang pulong sa Mar-a-Lago, Florida, ay naging maganda ang resulta para sa isinusulong na ceasefire deal ng US.
Pinasalamatan din ni Netanyahu ang US dahil sa suporta nito sa kanila.
Magugunitang isa sa mga tinalakay ng dalawang lider ay ang pagpapatibay ng ceasefire deal na isinusulong ng US.
















