Makikipagpulong si President Volodymyr Zelenskyy ng Ukraine kay US President Donald Trump sa Florida, upang subukang makuha ang pag-apruba sa bagong plano para wakasan ang halos apat na taong digmaan sa Russia.
Ang 20-point proposal, bunga ng ilang linggong negosasyon sa US, ay wala pang pag-apruba mula sa Moscow, at dumating sa gitna ng malawakang Russian missile at drone attack sa Kyiv.
Sinabi ni Zelenskyy na umaasa siyang magiging “very constructive” ang pagpupulong at binanggit na ipinakita ni Putin ang hindi niya hangad ang kapayapaan sa pamamagitan ng pinakahuling atake. Kasabay nito, nakipag-conference call siya sa mga European leaders, na nagpahayag ng buong suporta sa kanyang peace efforts.
Sa panig ni Trump, nanatili siyang non-committal sa bagong proposal, at sinabi na wala pang desisyon hangga’t hindi niya ito inaprubahan.
Ang planong tatalakayin ay maaaring humentong sa paglikas ng ilang tropa ng Ukraine sa silangan at paglikha ng demilitarized buffer zones, na nagmumungkahi ng posibleng territorial concessions, ngunit hindi kasama ang 20 porsyento ng Donetsk na hawak pa rin ng Ukraine, na pangunahing hinihingi ng Russia. (report by Bombo Jai)
















