Dati na umanong inaasahan ni datin Magdalo Partylist Representative Garry Alejano ang pagkakasama ng walong malalaking pangalan bilang co-perpetrators ni dating Pang. Rodrigo Duterte.
Si Alejano ang isa sa mga naghain ng kaso sa International Criminal Court (ICC) laban sa datin pangulo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines, sinabi ng dating mambabatas na ang mga co-perpetrator ng dating pangulo na tinukoy ng ICC ay pawang may malawak na papel sa drug war ng nakalipas na Duterte administration.
Sa katunayan aniya, ilan sa mga napangalanan ay bahagi rin ng mga dokumentong isinumite nila noon sa ICC, lalo na ang mga opisyal na may direktang papel sa mga unang panahon na isinagawa ang drug war.
Paliwanag ng dating mambabatas, hindi maisagawa ng dating pangulo ang malawakang drug war kung walang direktang tulong ng mga co-perpatrator na pawang may malalim na kaalaman aniya sa iinatupad na framework.
Binalikan din ng mambabatas ang aniya’y nangyayari noong siya ay nasa Kongreso pa, at si Duterte ay pangulo pa ng Pilipinas.
Aniya, madalas matakot noon ang publiko at government officials dahil alam nilang kung kokontrahin o susuwayin ang dating pangulo ay tiyak na may kalalagyan ang mga ito, dahil na rin sa lawak ng impluwensiya ng dating presidente.
Patunay rin ito niya na may ibang nakasama ang dating pangulo sa ipinatupad na drug war, tulad ng mga co-perpetrator na tinukoy ng international tribunal.
















