-- Advertisements --

Kinuwestyon ng progresibong grupo ang umano’y ‘masyadong optimistic’ na 2027 economic targets ng administrasyong Marcos, batay sa nilalaman ng 2027 national budget.

Ayon kay Gabriela Women’s Party-list Rep. Sarah Elago, bagaman suportado ng partido ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa, mistulang hindi ‘feasible’ ang mga batayan ng administrasyon, batay sa projection sa inflation rate, foreign exchange rate, atbpang nakaka-apekto sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon kay Elago, dapat may konkreto at hiwalay na plano ang gobyerno para makamit ang mga macroeconomic targets sa 2027, lalo na kung hindi maaabot o mapanatili ang projection.

Malaking hamon aniya ang pag-abot sa mga naturang target, lalo na at hindi napipigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa Pilipinas at hindi rin naaapektuhan ang galaw ng pandaigdigang merkado.

Sagot naman ni House Appropriations Chair Rep. Mika Suansing, ina-update kada quarter ng Development Budget Coordination Committee ang nakalaan at target na projection.

Nakatuon din aniya ang proyekto ng bawat government agencies sa mga proyektong may kalidad, upang maayos ang government spending paggasta sa pondo ng gobiyerno.

Nakatuon din ang budget aniya sa mga proyektong may mataas na economic multiplier at nakakalikha ng trabaho para sa mga Pilipino. Ang naturang focus ay magsisilbi aniyang pantugon o pantulay sa posibleng agwat sa projections.