-- Advertisements --
Itinanggi ng Ukraine na sila ang nasa likod ng drone attack sa bahay ni Russian President Vladimir Putin.
Ayon kay Ukraine President Volodymyr Zelensky na sa nasabing alegasyon ay nais lamang ng Russia na sirain ang isinusulong na peace talks.
Una kasing sinabi ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov na gumamit ang Ukraine ng 91 long-range unmanned aerial vehicles (UAVs) sa bahay ni Putin sa Novgorod region.
Giit naman ni Zelensky na isang typical na kasinungaling ang ipinapakalat ng Russia para mabigyan sila ng rason na atakihin ang Ukraine.
Mula pa noon ay tinarget na ng Russia ang mga government building nila.
















