-- Advertisements --
Umabot sa 414 ang naitalang road accidents sa gitna ng holiday exodus mula Disyembre 21 hanggang 29, 2025, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa kabuuang bilang, 305 ang kinasasangkutan ng motorsiklo, at 29 ang fresh cases batay sa datos mula sa 10 sentinel hospitals. Apat na katao rin ang nasawi dahil sa mga aksidenteng may kinalaman sa motorsiklo.
Iniulat ng DOH na 343 sa mga sangkot ay hindi gumamit ng helmet o seatbelt, habang 58 ang nasa ilalim ng impluwensya ng alak. Karamihan sa mga biktima ay nasa edad 15 hanggang 29.
Muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na magsuot ng DTI-approved helmet, gumamit ng seatbelt, iwasan ang pagmamaneho kapag lasing, at sumunod sa mga patakaran sa kalsada. (Report by Bombo Jai)
















