-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang Walang Gutom program na sinasabing nakatulong para bumaba ang hunger rate .

Ito ay batay na rin sa isinagawang survey ng Social Weather Stations.

Bumaba sa 16.1% ang involuntary hunger rate ng mga pamilya sa nakalipas na tatlong buwan, mula sa 20% noong Abril, ayon sa survey na isinagawa noong Hunyo 25-29.

Kinumpirma ng DSWD na ang pagbaba na ito ay nagpapatunay sa bisa ng ‘whole of nation approach’ kabilang ang Walang Gutom Program (WGP) ni Pangulong Marcos Jr., na ayon kay Asec. Irene Dumlao ay nakatulong sa pagbigay ng access sa pagkain sa mga pinakamahihirap na pamilya.

Sa kabila ng mga hamon, determinado ang pamahalaan na palawakin pa ang programa upang makamit ang layuning zero hunger bago matapos ang termino ng Pangulo sa 2028.

Target ng WGP na madagdagan ng 300,000 benepisyaryo sa 2025, mula sa kasalukuyang 300,000 households sa bansa.