-- Advertisements --

Hindi bababa sa 31 na pagyanig ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sa naturang bilang ay kabilang na dito ang 30 volcanic tremors tumagal ng nasa isang minuto.

Sa ngayon ay mababa naman ang sulfur dioxide flux ng bulkan.

Sa kabila nito ay nananatili pa rin ang pagsingaw ng abo na umaabot sa 1,200 metrong taas.

Nagbabala ang PHIVOLCS sa pagtaas ng seismic energy sa Taal, na maaaring mag hudyat ng phreatic o minor phreatomagmatic eruption.

Kasalukuyang nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan, kung kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island at mga danger zone.