-- Advertisements --

Nakauwi na sa bansa ang 39 Filipinos na biktima ng humang trafficking sa Lagos, Nigeria.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), na mismong si Secretary Hans Leo Cacdac ang sumalubong sa mga Pinoy sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Tiniyak ng kalihim na tutulungan nila ang mga distressed overseas Filipino workers base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ilan sa mga tulong ay ang financial assistance sa pamamagitang DMW AKSYON fund at pansamantalang matutuluyang at masakyan pabaliksa kanilang mga probinsiya.

Nagbabala din ang DMW sa mga Filipino na maging maingat sa nag-aalok sa kanila ng trabaho sa ibang bansa.