-- Advertisements --
Iprinisinta ng Department of Budget and Management kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang PhP6.793 trillion na 2026 National Expenditure Program (NEP) na ginanap sa Malakanyang kaninang hapon.
Sinisiguro ng administrasyon na ang 2026 national budget, magpapatatag pa sa pundasyong na una nang nailatag ng Marcos Administration, sa nakalipas na tatlong taong termino ni Pangulong Marcos.
Siniguro ng Malacañan na bawat probisyong, inilinya sa 2026 NEP ay alinsunod sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Binigyang prayoridad sa budget, ang mga mahahalagang probisyon na magsusulong sa karapatan ng mga Pilipino.
Halimbawa ang karapatan ng taombayan sa pagkatuto sa pamamagitan ng de kalidad na edukasyon.