-- Advertisements --

Papalawigin pa ang umiiral na state of public health emergency sa Pilipinas na inisyal na idineklara dahil sa COVID-19 outbreak hanggang sa katapusan ng taong 2022.

Sa isinagawang vaccination campaign ng Department of Health na dinaluhan ng Pangulong Bongbong Marcos sa lungsod ng Maynila, sinabi ng Pangulo na kung ititigil ang state of emergency, matitigil din ang mga assistance na ibinibigay mual sa international medical community kabilang na ang World Health Organization.

Kung kayat tinitignan aniya na amyendahan ang batas pagdating sa procurement sa ilalim ng state of emergency na matatagalan pa kayat malamang papalawigin pa ito hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Una ng idineklara ang public health emergency ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 8, 2020 upang matugunan ang banta dulot ng covid-19 sa pamamagitan ng mandatory na pag-ulat sa bagong cases, pagpapaigting ng government response, pagpapatupad ng quarantine at disease control measures.