-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na magiging stable at secure ang magiging power supply sa buong bansa para sa Undas 2025 at obserbasyon na rin sa All Saint’s Day.

Sa isang pahayag, inihayag ng DOE na nagppatupad na sila ng mahigpit na koordinasyon sa mga power generations companies, sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at maging sa iba pang distribution facilities upang masiguro ang uninterrupted power supply sa buong holiday period.

Maliban dito ay tiniyak rin ng departamento na mayroon na silang mga nakahandang contingency plans kung sakali mang may mga potential demand surges at maging mga localized disruptions.

Sa kabilang banda naman, nanawagan ang DOE sa mga petroleum retailers na panatilihin ang pagsasagawa ng mga fuel inventories at tiyakin ang mga epektibong operasyon habang patuloy na binabantayan ang mga galawa sa presyo ng krudo upang maprotektahan ang mga consumers sa mga hindi makataong pagtataas ng presyo.

Nanawagan rin ang ahensya sa publiko na sanayin ang energy efficiency kahit nasa tahanan, daanan man o kahit sa mga sementeryo.