Binantayan ng daan-daang mga sundalo ang Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Ayon sa Philippine Army, umabot sa 320 uniformed personnel ng PA ang nagsalitang magbantay sa naturang himlayan.
Tinaya ng PA ang hanggang 90,000 bisita na papasok sa LNMB sa kabuuan ng Undas break.
Ang LNMB ay nagsisilbing himlayan ng mga sundalo, kalihim ng Department of National Defense, mga pangulo ng bansa, atbpang kinikilalang bayani ng Pilipinas.
Ang security force ay binubuo ng mga personnel mula sa PA, Explosive Ordnance Disposal / Chemical, Biological, Radiological, and Nuclear (EOD, CBRN) personnel, Philippine Air Force (PAF), Philippine Navy at Philippine Marine Corps, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, atTaguig City Traffic Management Office.
Mananatili pa ring bukas ang naturang himlayan para sa mga bibisita bukas, at tuluyan itong ibabalik sa dating schedule sa susunod na lingo.
















