Tutol ang grupo ng TNVS drivers sa kautusan ng LTFRB na nagpapataw ng parusa sa mga driver na nagkakansela ng bookings nang walang valid na dahilan. Ayon kay Laban TNVS president Leonardo “Jun” de Leon, mabigat na ang multa ng mga transport network companies (TNCs) sa drivers sa ganitong kaso.
Nilinaw ni de Leon na kadalasan may valid na dahilan ang pagkakansela, at ang mga palaging kanselasyon ay nagreresulta sa pagbawal sa platform. Ayon sa LTFRB, inilabas ang memorandum bilang tugon sa reklamo tungkol sa madalas na booking cancellations, lalo na sa trapik ngayong holiday season.
Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2025-055, may parusa mula P5,000 multa sa unang paglabag, hanggang P15,000 at pagkansela ng certificate of public convenience (CPC) sa pangatlo at kasunod na paglabag. Humiling si de Leon ng pang-unawa sa publiko sa mga kanselasyon, lalo na kung dulot ng trapiko. (report by Bombo Jai)
















