Patuloy na tumataas ang mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Bohol, na umabot na sa 926 mula noong 1984.
Mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon naman, naitala ang 132 na kaso, kabilang ang siyam na kaso noong buwan ng Setyembre lamang.
Inihayag ni Dr. Van Philip Baton, Provincial Officer ng Department of Health (DOH), sinabi nito na patuloy na hamon ang pagharap sa lumalaking bilang ng mga kaso, at inaasahan pa nila na tataas pa ito bago bumuti ang sitwasyon.
“The numbers are showing that its still increasing. As I always say, it will be darker before the dawn. So we are expecting that it gets worse before it gets better because that’s how usually human behavior comes in. we have to suffer before we undertand the ipamct of those suffering,” saad pa nito
Binanggit pa ni Dr. Baton na ang unang hakbang sa pagtugon sa naturang sakit ay ang pagpapalaganap ng tamang kaalaman at paghikayat sa mga tao na magpatest.
Aniya, isang malaking hadlang na kinakaharap ng kagawaran ay ang stigma na nakapalibot nito kung saan ang takot at diskriminasyon ay nagpapahirap sa mga tao na magpatingin o magpasuri.
Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng papel ng mga magulang sa pagtutok sa reproductive health ng kanilang mga anak at pagiging bukas sa mga isyu ng sexual behavior upang maiwasan ang HIV at teenage pregnancy.
Dagdag pa niya, mahalagang alisin ang stigma at diskriminasyon upang hindi magdulot ng karagdagang problema sa mga taong apektado ng naturang sakit.
Aniya, “I just want to highlight the role of parents at home. encourage everyone to be more kind, understanding and to be more accepting.”















