-- Advertisements --

Binuksan ng Malacañang ang Kalayaan grounds sa publiko na dadalo sa Simbang Gabi.

Maaaring dumalo ang publiko sa Simbang Gabi mula ala-4 ng umaga.

Magsisimula ito ngayong Disyembre 16 hanggang Disyembre 24.

Ito na ang pang-apat na taon na isinasagawa ng Malacañang ang “Tara sa Palasyo”.

Bukod sa siyam na araw ng Simbang Gabi ay maaaring maranasan din ng publiko ang carnival rides mula ala-6 ng gabi hanggang 11 at libreng pelikula na ipapalabas sa Kalayaan grounds hanggang Disyembre 23.