-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Nuestra Señora de la Asuncion parish church sa Maragondon, Cavite na bumagsak ang 300-taong gulang na pulpito.

Ayon sa Parokya na agad nilang ipinaalam ang insidente kay Imus Bishop Reynaldo G. Evangelista.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), local government unit at Ministry on Cultural Heritage of the Church of the diocese.

Nagsagawa naman ng inspeksyon ang ilang grupo kung saan nakita ng NCCA na ang pagbagsak ay dahil sa internal structure failure ng lumang pansuporta sa ilalim ng Sound bar o tinatawag na Tornavoz.

Humingi ng paumanhin ang simbahan at tiniyak nila na gagawin ang lahat para maipreserba ang makasaysayang pulpito.