ILOILO CITY – Lumantad sa Bombo Radyo ang magiging whistleblower ng Armed Forces of the Philippines sa isasagawang Senate hearing laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeffrey Celiz, sinabi nito na siya ang nagpakilalang si Ka Eric Almendras at dating chairperson ng Makabagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-Panay

Si Celiz ay tagapagsalita ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Ayon kay Celiz, sa gobyerno na siya ngayon nagtatrabaho matapos ang mahabang panahon ng pagiging rebelde.

Si Celiz ay inaasahan na makakasama ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sa pagharap sa Senate hearing.