Nagmistulang “spoiler” ang papel ng Los Angeles Lakers nang ma-upset nila ang Charlotte Hornets at tuldukan din ang ambisyon na sumabit sa NBA playoffs.

Naging gabay sa pamamayani ng Lakers  ang kanilang opensa at depensa.

Kumamada ng 27 points at nine assists si LeBron james, habang si  Kentavious Caldwell-Pope ay nagtapos sa 25 points, 129-1115.

Nagawa ring tuldukan ng Lakers ang four game winning streak.

Naging epektibo ang ginawang paglimita ng Los Angeles sa diskarte ni Kemba Walker ng Charlotte (35-40).

Ang Hornets ay nasa likod na ngayon ng Miami Heat sa final 8 sa Western Conference.

Samantala, posible pang mandamy ang Lakers sa ibang teams sa loob ng natitira pa nilang huling limang games.

Sunod na lalabanan ng Lakers ang Pelicans sa Lunes.

Ang Hornets naman ay makikipagtuos sa Warriors.