Pinakawalan na ng Charlotte Hornets ang bigman nitong si Jusuf Nurkić matapos ang matagumpay na trade kasama ang Utah Jazz.
Mapupunta ang bigman sa Jazz kapalit ng point guard na si Collin Sexton at isang 2030 second-round pick.
Si Nurkić ay dating 16th overall pick noong 2014 na napunta sa Denver Nuggets, mula sa Nuggets, na-trade siya sa Portland Trailblazers at kinalaunan ay napunta sa Phoenix Suns.
Nakakapagpasok siya ng 9.2 points per game habang naglalaro ng 18 mins per game sa Charlotte. Nagagawa din niyang umagaw ng 6.5 rebounds kada laro habang nagpoposte ito ng halos 50% overall field goal percentage.
Sa kabilang banda, si Sexton ay isang 7-year veteran na nakakapag-contribute ng 18.4 points at 4.2 assists per game sa Jazz.
Dati itong naglaro sa Cleveland Cavaliers kung saan nagawa niyang iposte ang kaniyang best record na 24.3 points per game.
Ang Hornets at Jazz ay dalawa sa pinaka-kulelat na koponan sa NBA ngayong season at sa mga nakalipas na taon.
Sa pagtatapos ng 2025 regular season, hawak ng Jazz ang huling pwesto sa western conference, tangan ang 17 panalo at 65 pagkatalo.
Nasa ika-14 na pwesto naman ang Hornets sa eastern conference, hawak ang 19 wins at 63 losses.
Ang napagkasunduang trade ang unang ginawa ng dalawang koponan ngayong offseason ng NBA.