-- Advertisements --
Pasok na sa 2026 Playoffs ang Boston Celtics matapos talunin ang Charlotte Hornets noong Marso 30 sa iskor na 114-99.
Pinangunahan ni Jayson Tatum ang panalo matapos magtala ng 32 puntos, walong assists, limang rebounds, at isang block.
Malaking kontribusyon din ang 28 puntos, anim na rebounds, at isang steal mula kay Payton Pritchard.
Dinomina ng Boston ang paint area na may 52 puntos kumpara sa 40 ng Hornets.
Pinuwersa rin nila ang Charlotte na gumawa ng 11 turnovers habang sila ay nalimitahan sa lima sa loob ng 48 minuto.
Walang nagawa si LaMelo Ball upang mailigtas ang Hornets matapos siyang malimitahan sa 19 puntos at apat na rebounds.















