-- Advertisements --

Abanse na sa final play-in ang Charlotte Hornets.

Ito ay matapos na malusutan ang Miami Heat 127-126 sa kanilang overtime game ng NBA play-in tournament.

Naging susi sa panalo ng Hornets ang pagpasok nito ng bola sa natitirang 4.7 segundo ng OT.

Dahil sa ubos na ang time-out ng Heat at tinangka nilang tapusin ang laro subalit naging mahigpit ang depensa ng Hornets.

Naging malaking hamon para sa Heat ang laro dahil sa kawalan ng kanilang star center na si Bam Adebayo na nagtampo ng injury sa ikatlong quarter.

Hihintayin na lamang ng Hornets ang sinumang manalo sa pagitan ng Philadelphia 76ers at Orlando Magic para sa final play-in matchup na gaganapin sa Biyernes.

Ang sinumang manalo sa final play-in ay siyang hahawak sa number 8 na puwesto sa Eastern Conference at haharapin ang Detroit Pistons para sa unang round ng playoffs.