-- Advertisements --

Inaaral na ng Committee for the Special Protection of Children (CSPC) ang ilang sistema upang makapagbigay ng akmang tulong sa mga batang biktima ng pang-aabuso.

Ang naturang komite ay binubuo ng Bureau of Immigration (BI), Department of Justice (DOJ) and Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, ikinukunsidera ng inter-agency team ang ilang pagbabago sa kasalukuyang ginagamit na sistema upang mai-akma sa sitwasyon ng mga inaabusong bata.

Nakapagsagawa na aniya ang naturang komite ng mga serye ng meeting kasama ang mga kinatawan ng iba’t-ibang ahensiya, at isa sa mga inisyal na pinaplano ay ang adjustment para sa mas magaan at episyenteng case management.

Dito aniya papasok ang mas maayos na assistance sa mga biktima, mula sa pagkakasalba sa mga ito sa mga abuser at tuluyang paghahain ng kaso laban sa mga abusado.

Ikinukunsidea dito ang two-way approach kung saan napoprotektahan ang mga bata at nabibigyan sila ng akmang tulong, habang napapanagot at naipapakulong ang mga nang-aabuso sa kanila.

Sa panig ng BI, nakapokus ang mga ito sa mga bata at kabataang nagiging biktima ng child trafficking. Dito ay nakikipagtulungan aniya ang mga ariline companies upang mapigilan ang pagkakabiyahe ng mga ito papunta sa ibang mga bansa.

Binabantayan aniya ng BI ang mga kaso ng ‘cross-border trafficking and exploitation of children’ kung saan binabantayan ng bawat paliparan ang mga indibidwal na may record ng human trafficking na pumapasok sa bansa sa tulong ng advance passenger information system.

Saklaw naman ng DOJ at DSWD ang pagprotekta sa mga bata at paglilitis sa mga child abuser at mga human trafficker.