Nahigitan na ng Spain ang China sa dami ng mga namatay matapos dapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Ministries of Health and Science na mayroon ng 3,434 ang namatay sa nasabing bansa ng dapuan ng virus.

Habang mayroon lamang 3,281 ang nasawi sa China at ang pinakamataas na nasawi ay sa Italy na mayroong 6,820.

May pagtaas ito ng 27% sa loob ng isang araw kung saan mayroon ng kabuuang 47,610 ang nadapuan.

Nasa pang-apat na puwesto na ito sa dami ng kaso na pinangunahan ng China, Italy at United States.

Kasalukuyang nasa country-wide lockdown ang bansa at inaasahan naman ng top health official na si Fernando Simon na tataas pa ang nasabing mga kaso.